Sunday, September 13, 2015

Looking for Players: Penitensya (FATE: CORE)

I'm thinking of running a FATE game based on an idea Jay and I have. Here's a short blurb for PENITENSYA:

***

Sabi nila, aswang daw ako. Halimaw. Humihigop daw ng sanggol mula sa sinapupunan ng mga babae.

Ang dami nilang keme.

These days, itlog lang tsinutsup-tsup ko. Lalo na pag balut. Sabi ni Father, malapit-lapit na raw yung balut. Mabubusog na raw ako dun.

Pakshet. Hindi eh. Gutom pa rin ako. Pero at least di ako nau-ulol. Nakokontrol ko pa siya. Salamat sa balut.

Oh siya. Malapit na Uber ko. Kung pwede lang walang paa sa opis lumipad na lang ako. Tanginang traffic yan. IM mo na lang ako pag may papagawa si Father.

***

Sa PENITENSYA (powered by FATE CORE), isa ka sa mga halimaw ng Metro Manila. Pwede kang maging manananggal yuppie, o kaya kapreng chain-smoker na nagttrabaho sa call center, or kung ambitious ka college student na lumulon ng mahiwagang bato para maging diyosa. Basta ang importante, PENITENTE ka. Ibig sabihin suma-sideline ka bilang sandata ng simbahan laban sa mga tunay na halimaw.

And no, hindi required maging religious ang character mo.

***

Is this something that would be interesting for people? grin emoticon I live in Kalentong and I will probably run it there.



(Photo by blue-fusion: http://blue-fusion.deviantart.com/art/Manananggal-Out-Late-52251201. Used for nonprofit.)

No comments:

Post a Comment